Tuesday, April 17, 2012

Southwinds Resort | Pansol, Calamba City, Laguna

Alam kong wala naman akong mega followers na nagaabang sa bago kong ipopost. (Let me know kung meron! *kapal ng muka* haha.) Anyway, ang kinaganda dun, walang pressure!

Since I'm still a student, di ko naman keri lumakwatcha anytime I want to. Kailangan ko pang tipirin ang baon and everything para makalayas. At dahil ang galing ko, kung kelan naman summer tska ako walang alis. :( Sama niyo nga ako sa summer getaways niyo!! :)

So far this summer, eto pa lang ang out of town ko! At kung hindi pa ako nainvite ng family in Ivan(kabarkada), wala pa din akong summer getaway. Super thank you, Austria family!!! :)

This is very advisable to students because Laguna is just a few hours away from Manila at madali lang magcommute papunta at pauwi. Plus, mura lang ang entrance fee and overnight stay! Pwede din magdala ng pagkain! Go na go ang family at barkadahan!

As expected, madaming tao. Saturday pa!

 Bet na bet! Ang mura lang oh!! 
The resort started it's operation, summer 2010. 2 years old pa lang! Bagong bago pa.
Entrance fee is Php78 for adults and Php68 for children. You may choose the Gazebo or the Round Table for those who'll not have an overnight stay. At kung overnight stay naman, ayun! Mura pa din!!

They have 5 pools. Syempre Laguna to, hot spring!!
3 kiddie pools (3ft.) with slides and 2 adult pools (4ft. and 5ft.)
 The rooms for overnight stay are there and the other kiddie pool

Awesome view of Mt. Makiling!

 We had the Gazebo. Bale tabi- tabi siya pero may ilang meters na space bawat Gazebo. It has also its own sink.

And for those who chose the Round Table, they allotted this place for them.

Habang mataas pa ang sikat ng araw, pwede din magvideoke na lang!

Since they are open 24 hours, they won't have any time to clean the pool. This is around late in the afternoon. They emptied the pool then clean it. Yung mga tao, nagugulat na lang at bumababaw na ang tubig.  

Whenever I go to public swimming pools, especially kung summer at weekends, ineexpect ko na ang worst! Di rin kasi maiiwasan na madumi or napakagulo dahil na din sa sobrang dami ng tao. But for this place, okay siya! Infairness!! Bukod sa bago pa ang mga facilities, malinis din! Unang tingin pa lang pagpasok, okay na okay! Di pa laspag na laspag yung lugar. With the shower rooms/ comfort rooms, pwede na din! May nakaantabay na tagalinis sa CR. At malakas din ang tubig! Di pahirapan maligo. :) At sana kahit after ilang years na, mamaintain nila. So if you're looking for a place to hang out this summer, I suggest this place!! :)

Thanks Elka and Ivan. 
Especially to your family, Ivan! :D

Chinx♥